Sunday, March 17, 2013

                                                           MAYBAHAY......NANAY.........



Everyday I have to wake up early in the morning to prepare everything for my Husband and my Kids,Their breakfast, Their baons, their snacks, their clothes,their pampaligo,everything. At pag-alis nila maglilinis naman ako ng bahay, maglalaba at mag-aalaga sa aking maliit na anak. Magpapahinga ng konti habang matyagang nakikipaglaro at nagtuturo sa aking dalawang taong gulang na bunso.at kapag nakatulog na sya I have to do my kids meryenda kase padating na sila galing eskwela..pagdating ng hapon magluluto na ako ng aming hapunan upang pagdating ng pagod kong asawa ay handa na ang aming mesa. pagkatapos ng hapunan at makapahinga ang lahat,its time to sleep..Tulog na ang lahat but the Mother still awake to fix everything and to make it sure that they are all OK..
Araw-araw yan at yan ang aking ginagawa.Sometimes, I admit, naiisip ko na ang boring naman ang araw araw ko.NO challenges, NO developments, NO improvements..haaay..iyun at iyun....
BUT you know what, Everyday my Kids always have a big smile pagkagaling sa eskwela bringing up a good news. "Momi perfect ako sa test" ,"Momi pareho kaming me nakuhang award", "Momi tama yung itinuro nio sa assignment namin." haay sarap sa pandinig..and pag-uwi ng husband ko, "Honey ang sarap daw lagi ng baon ko,sarap mo daw magluto." At kapag nakahiga na my little daughther always kiss and hug her daddy and ates sabay ipagyayabang ang mga bagong words at kaya niang gawin na natutunan sa buong araw,Si Momi nagturo jan. Mga simpleng papuri na malaking bagay para maibsan ang pagod sa maghapon.
And then I realize it is a BIG NO..hindi ko dapat naiisip na boring ang aking araw araw hindi ko dapat naiisip na everyday there is No challenges, No Developments,and No improvements.There is, or there are full of challenges of being a mother and a wife.Dahil ang paulit ulit kong ginagawa araw araw ay pauli ulit na pagbibigay ng buong pusong suporta,lakas,abilidad at talento sa mga pinakamamahal ko upang magkaroon sila ng Bagong araw, Bagong development , Bagong improvements at Bagong achievements.
Akala ko hindi ako nag iimprove at natututo dahil paulit ulit lang ang ginagawa ko araw araw.HIndi pala, paulit ulit man ang ginagawa, araw araw naman palang nadadagdagan ang aking kaalaman upang maging isang mabuting ina at asawa.araw araw pala akong pinapatatag ng aking mga anak at asawa.araw araw pala nilang pinapaalala at ipinararamdam sa akin na ako ay isang ina at asawa na buong pusong nagmamahal at nagbibigay ng walang hinihintay na kapalit.
Alam kong hindi ako perpektong maybahay at nanay.pero dahil nakikita kong mababait, masisipag at mapagmahal ang aking mga anak at asawa isang napakalaking medalya para sa akin ang isiping bahagi ako ng kanilang pagkatao..Mahaba pa ang aking lakbayin bilang  ina at kabiyak, Dalangin ko sa AMA na patnubayan nya ako.Bigyan ng lakas ng katawan at malawak na kaisipan upang magampanan ko pa ng maayos ang aking tungkulin sa lahat ng aspeto at matutunan ko pa ang mga dapat matutunan Bilang MAYBAHAY, Bilang NANAY at Bilang TAO.......

GOOD DAY EVERYONE!!!!
Janet A. Antinero

Thursday, February 14, 2013

Wednesday, February 6, 2013

NAG-IISANG BANIG

Dalawang pares ng unan, isang kumot at isang simpleng banig, ngunit walang kasing sarap mahiga para sa dalawang taong wagas na nagmamahalan.Magkayakap na nangangarap ng isang simple ngunit maayos na buhay para sa sinisimulang pamilya.Kapwa sabik magkaroon ng mga supling upang lubusang mabuo ang pangarap na buhay.At may ngiti sa labing ipipikit ang mga mata.

Add caption
Dalawang plato ng kanin,pritong galunggong at kangkong ,mga simpleng pagkain na may sangkap na pag-ibig ang hain ng butihing maybahay para sa kabiyak,ngunit walang kasing sarap para sa kanila ang pagsaluhan ang mga iyun lalu pat batid n nilang nagbunga na ang kanilang pagmamahalan,ang supling na kanilang pinanabikan ay matutupad na..

Walang kasing sarap at ligaya, isang wagas na pagsasama....Bakit sa isang iglap nabgo ang lahat..Magagara na ang kasuotan, masagana, masasarap at mamahaling pagkain na ang nakahain sa hapag kainan, at natutulog na sa malambot na kama.Parehong nagnais ng mas maginhawa at magandang buhay, parehong nakamit at nagtagumpay subalit parehong kapwa nakalimot sa kanilang simula, sa kanilang binuong pangarap na magkahawak kamay hnggang sa huli..Di na namalayang sinira na ng kanilang makamundong pangarap ang kanilang masayang pagsasama, hanggang sa huli tuluyan ng kapwa humiwalay sa isat isa, nakipaglaro sa mundo, sinubukang maghanap ng mga panandaliang ligaya sa piling ng iba .. Nakahain na ang masasarap na pagkain, walang galunggong at kangkong subalit kapwa di makakain sa magkabukod na tirahan.parehong walang gana sapagkat parehong nag-iisa..At sa gabi malaki at malambot na kama ang parehong higaan upang ipahinga ang pagod na katawan ngunit di makatulog, pikit man ang mga mata,gising ang diwang naglalakbay.May makasama man sa kanilng paghiga, may kayakap man sa kanilang pagtulog walang ngiti sa mga labi sapagkat hindi tunay ang nadarama..

Nasaan na ang kahanga - hangang pagsinta, Ang simple ngunit malaparaisong tirahan dahil sa mga pusong tunay na nagmamahalan. Nasan na ang mga pangako at magagandan pangarap para sa pamilya, isang simple ngunit maayos na buhay para sa kanilang mga anak.Mga anak na pinangarap bigyan ng maayos na buhay ngunit sa huli,y isang miserableng buhay ang naibigay sapagkat wasak na pamilya ang kalalakihan. Paglaking kulang sa pagkalinga at pag gabay ng ama at ina at maaring ikapahamak nia pagdating ng panahon.

Kapwa nagbabalik tanaw sa nakaraan sa tuwing mapapag -isa, kapwa nais malaman ang kalagayan ng isat isa, kapwa nais makausap ang isat isa tungkol sa kung anong nangyari sa kanila, kapwa sabik mayakap muli at mahagkan ang mga labi dahil kapwa pa nila mahal ang isat isa..Ngunit kapwa may matigas na puso na ayaw magpakumbaba.

Hindi masama ang mangarap ng magandang buhay para pamilya, ang maiangat mula sa simpleng buhay tungo sa isang payak na pamumuhay. Nunit kung ang mataas n pangarap na ito ang sisira sa pamilya, balewala din ang maraming salapi, magandang bahay at masasarap na pagkain kung wala na ang ang pamilyang pag aalayan mo ng mga ito.At kung mangyari mang malimutang pansamantala ang mga puso, kung wagas ang mga ito dadating din ang panahong kusa nitong hahanapin ang isa at kusang madadama na kailangan nila ang isat isa.Kailangan lamang pag dumating ang panahong iyon isa sa kanila o mas mainam kung pareho silang marunong magpakumbaba.......

Hindi man aminin ng marami, ang pagpapakumbaba ay isa sa pinaka importanteng sangkap ng Pag-ibig..Maari nitong ibangon ang nadapang relasyon..Kung wagas ang pag-ibig at kung para sa katiwasayan at ikaliligaya mo, ng pamilya at ng iyong minamahal magagawa nating magsakripisyo.
Hindi na maitutuwid ang mali na nagawa na, hindi na maibabalik ang nagdaan, hindi na din maaring simulan ang natapos na, Ngunit maari naman tayong gumawa muli ng mabuti, maari namang baguhin ang pangit sa sarili upang di na mangyari ang pangit na nagdaan.Ang nakalipas ay nakalipas na at di na maibabalik pa, ngunit maari natin itong alalahanin pangit man o maganda upang maging basehan kung dapat o hindi ba dapat ang ating gagawin para sa isang matagumpay na pagsasama at masayang buhay.

Ibat ibang masasarap na pagkain man ang iyong natikman at nakain, mas masarap pa din ang galunggong at kangkong na niluto sa pagmamahal, mas masarap pa ding kumain at mabusog sa pag-ibig....Iba Ibang malalaki at malalambot na kama man ang iyong nahigaan, Wala pa ding kasing sarap at ligayang matulog na may ngiti s labi at maramdan ang pusong masaya sa piling ng iyong minamahal.WALA PA DING MAKAHIHIGIT NA MATULOG NG PAYAPA KAYAKAP ANG NAG-IISANG BANIG NG BUHAY MO.... ; )